Mamaws on Pisay Bikol’s 10th Year Part 2


October 27
5:00 AM. Nag-alarm ang phone ko. Crap. Ako pa lang ang gising. At sinong tanga ang maliligo ng ala-singko ng umaga? So tulog uli. Nagising ako uli ng 5:50. Hala. Maliwanag na. So tayo na. Labas na ng room at diretso ng banyo para maligo. Gising na din yung mga lalake. Nagbabasketball na. Aba. Talo kami. So ayun. Ligo na ako by 6:10 AM. Tick. Tick. Bakit ganun? Wala pang ibang naliligo? Mga quarter to 7, tumayo na din sina Farrah, Noni at Rizza. Maliligo na din finally. Basketball pa rin ang mga lalake. Tamabay muna kami nina Gals at Thomas sa may dao. Maya-maya… aba may mong-mong na naglalakad. Si Molina! Haha! Nakarating din. “Fresh” from Manila. Kwentuhan. Bumalik ako sa room ng mag-e-eight. Finally! Gising na si Eloi at Joan. Kahit kelan talaga. 7:30 na tree planting… asa. At dahil gutom na kami, sugod sa caterer!!! Mura. May free rice pa. Kain. Unahan ang mga estudayante! Tubig. Pati yun may pila? Waaah!
After breakfast, dapat tree planting na. Nine na halos. Ready na mga lalake. Go kahit di pa ligo! Hintay. Hintay. 10 na hintay pa din. Akyat muna kay Ma’am Jenny para mag-reg. At ang aming inaantay na “alumni card” dumating din. Si Gals pa ang naglaminate. Hahah! Nakaligo na din sina Joan. Laging “Asan si Sir Bu?” and drama. Sige hanapin niyo. Maya-maya dumating si Conney. Sige. Sama-sama kayo mga Isabelina. Wala na atang tree planting. Kapikon. So naligo na yung mga lalake. At kami naman, diretso na sa Pav at finally magsisimula na ang program. Alas onse na yun ha. So program program. Speech speech. Bongga. May research hub ang Pisay! Donated by Pfizer. Hmm. Magdonate din kaya ako someday?? Joke. 
At nang matapos ang program… lunch na! Beside the great admin overwieing the guard house. Dumating din si Paul! Yey! Naearlier naannounce na “lost in Goa”. Lunch. Apat ang ulam. Aba… pero bakit andun pa rin si beloved chicken from the other day? Hmm. Fishy. Hahah! Buwaya sa salad at tubig. Ang sigaw, “Kuya!!!!! Tubiiiiiig!”. Mainit eh. Nakakatusta. Nag-usog pa kami ng tent, ha. Noong una, hinay-hinay lang sa pagkain. Tapos, biglang nag-announce na pwedeng mag 2nd round. So ayun! Banat! PWede pala eh. After lunch, balik muna sa “quarters”. Tulog. Kala niyo ha. <See pictures: Kabaliwan sa Goa> Bwhahaha! 2:00 PM. Program na. Election of Officers. AVP’s per Batch. Sa 2002 nagsimula. Daming presentation in between. Talks about schools. Si Hyubs at Bani nagtalk about Arneo. Peace. Ateneo pala. Syempre nababara ng mga taga UP! Hahahah! Papatalo ba kami? of course not. Bias na ito! 😛 May surprise presentation daw ang ’06. Wow. Haba ng sayaw. Di nga prepared. <peace! :P> Hmm. May snack. Cake? At e-aji na GREEN? O_O Nagtetext si Mangs! Antayin daw siya! Sabi ko, “Hahahah. Halos pauwi na!”. Matapos ang sampung taon at 5:00 PM na. Ipinakita din AVP ng ’05. Yes! After nun, hala layas na! Pero syempre, endless picture muna. Sabi ni Farrah sa isang first year, “Ate, papicture naman.” Wahah! Matapos ang di-matapos tapos na picture. Bye bye pisay na. Nagpaiwan muna sina GAls, Farrah <na dapat 1:00 pm pa aalis pero nagkandaudlot-udlot na>, Rizza, Edward, Paul, at Hap. May nalimutan ba ako? Hay. Konti ng naiwan. Syempre pa. Tinatakbuhan namin ang Formal Ek Ek. Kami pa. So ayun. Layas na. 
Pagdating sa terminal. Yes. May terminal na ang Goa. Isang dagat ang layo niya mula sa paa ng Isarog. Wala nanag bus at van! Ala sais pa lang nun! Waah. Jeep na lang. Pero tatlo lang ang kasya sa loob. Pero kasya daw kaming lahat. Ano to magic? wah choice so sakay. Top load ang iba. Sa loob ako, si Eloi at si Conney. May mga nakasabay pa kami ng ’08. Sabi nung Manong madami naman daw baba. Tsk. Liar! Bakit lahat sakay? Walang bumababa?? May standing sa loob. Amazing talo pa ang bus! Kulang na lang pato hood paupuan! Hay. Grabe. Matapos ang lampas isang oras. Nakababa din sa Anayan. Bah. May bus agad pa-Legazpi. Kaso ang galing ni Mond at Jac pumara. Di nakikita. hehe. Peace! Maya-maya may bus na pa-Iriga. So Bye Bye na. Uwi na talaga.
So yan. Ang aming mga kabaliwan. Kakamiss ang PIsay. Nakita ang mga dapat makita. Nakausap ang dapat makausap. Kelan kaya uli ako makakabalik? 

Drop a Note!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s