Family Feud


Ewan. Andaming worries ngayon. Nakalabas na sa hospital ang lola ko last Thursday pa, pero ang condition niya di naman nag-improve. Ayaw niya na kasi kumain. Ang sama na daw ng panlasa niya. Yung mom ko saka si auntie mila lagi halos umiiyak ksi di namin alam kung ano pwede mangyari. Tapos nagkaroon pa sila ng argument saka nung eldest brother nila, si Uncle Ramon. Pano kasi simula nung lumbas sa hospital ang lola ko di man lang siya nag-bother na bisitahin ang lola ko. Kagabi kung hindi pag nagbanta auntie ko hindi pa yun pupunta.

Hindi rin in good terms ng kuya ko. Kagabi kasi, nag-uusap kami ni mama bout sa sinabi ko. I said na ang hinanakit ko lang nung malakas pa ang lola ko, parang never niya pa kaming na-appreciate na magkakapatid. Laging ang magaling at hinahanap niya yung iba kong pinsan, where in fact all our life halos nasa tabi niya kami. Yung sabi ng mom ko pagpasensiyahan ko na daw kasi matanda na. Sabi ko wala naman na yung kaso sakin. Ang kuya ko namang magaling biglang sumabat at bigla nagsabi, “Ang problema mo kasi Melissa, ang sama-sama mo. Ang sama mong tao.” Ilang beses niya yung inulit. At kahit cold ako, iba ang tama nun sakin kaya umiyak ako. Sabi ko “…tawagin mo na ang ako sa lahat ng insulto… selfish, suplada, mataray, backfighter… basta wag mo akong sasabihan na masamang tao. Wala kang right. Si mama lang pwede magsabi sakin nun kasi siya ang nagpalaki sakin. Ang kapal mo!!! Ang kapal mo!!! Never mo akong sasabihan ng masama ako. Kasi hindi mo alam ang takbo ng utak ko. Sasabihan mo ako ng masama, na halos since pagkabata ako ang sumalo ng role as eldest. Nung magkasakit si papa, sinong nag-coconsole kay mama? Sinong nagluluto? Sino ang di makatulog? Ako. Nung after ni papa operahan, sinasabi niya sakin lagi ako na bahala sa inyo at kay mama pag wala na siya. Hindi mo ba alam kung gaanong pressure yun sakin? Tapos kung nagkaganito man ako, hindi ko naman yung totally gunusto. Akala mo very happy ako na nasa malayo ako? Hindi. Twelve pa lang ako nung nahiwalay kay mama at papa. Ang short lang ng time na kasama ko sila. Kayo pagmalamig ang umaga, naipag-iinit niya ng tubig. Ipinagluluto kayo ng almusal, lunch and dinner. May merienda pa. Pag maysakit kayo andiyan siya. Swerte niyo nga eh, kasi ni once hindi pa ako ni mama nakita na magsuot ng school uniform. Kala mo ganun kadali ang malayo? Hindi kasi you have to suffer a lot. Kaya kahit kailan wag na wag mo ako sasabihan ng masama because you have no right, and you have no sufficent grounds.”

Yun. Hindi na siya umimik after. And ngayon lang yung time na kinampihan ako ni mama.
Ewan ko. Ang gulo ng buhay namin ngayon.

Drop a Note!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s