Sorry kung hindi nakapag-update these past days. Nasa hospital ako madalas. Naconfine kasi lola ko. She’s not getting any younger. Eighty-nine years old na. And ayun. Pagod na pagod ako kasi sa gabi I have to sleep sa hospital. Tapos babalik sa bahay to cook or clean. Grabe puyat ko. At ang gaan ng ulo ko. Sana makalabas na sa hospital lola ko para makapagpahinga na rin kami dito sa bahay. Thank God andito yung kapatid ni mama saka yung isa kong pinsan. At least may kasama kami sa pagbabantay sa lola ko.
Mama ko down na naman. Kasi syempre, we do not know kung ano ang pwedeng mangyari. Pero sabi niya handa na raw siya, and accepted na rin niya kasi matanda naman na daw lola ko. Sabi rin ng lola ko naakakapagod na rin. Napaisip ako tuloy kung gusto pa ba tumanda until 90 years old.
Dati nung naoperahan ang papa ko, takot na takot ako sa death. Kaya nung namatay siya, yung uncle ko, saka yung lolo ko na sunod-sunod, grabe ang hinanakit ko sa buhay at sa mundo. But now, I think mas mature na ako. My father’s death deprived me a lot of things, pero dahil din dun kaya nabago ang perspective ko sa buhay. Nafe-feel ko na I’m already prepared and kaya ko nang-ihandle ang mga bagay-bagay. At naisip ko darating at darating ang ganung pagkakataon. May nauuna lang, may nahuhuli. So whatever happens, bahala na ang Diyos.
Sabi ko na lang sa mama ko, “Basta ikaw mama, tagal-tagalan mo pa ha. Wag ka muna aalis.”